Posted February 20, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Naaresto na ng pulisya ang suspek sa nangyaring pagnanakaw
at pagtaga sa bayan ng Numancia Aklan.
Ayon kay Numancia PNP Chief Police Inspector Willian Aguirre, nahuli ang suspek na si Glen Mier alyas “bungal/killer” Rogan Merano, 19, ng Sitio Guindagaan, Badiangan, Banga, Aklan sa isang sabungan sa Romblon.
Ayon kay Numancia PNP Chief Police Inspector Willian Aguirre, nahuli ang suspek na si Glen Mier alyas “bungal/killer” Rogan Merano, 19, ng Sitio Guindagaan, Badiangan, Banga, Aklan sa isang sabungan sa Romblon.
Anya, isinagawa ang operasyon sa Barangay Lanas,
San Jose Romblon habang nakikipagpustahan pa umano ang suspek doon at umiinom
ng alak.
Ayon kay Aguirre, una na silang nagsagawa ng
manhunt operation sa Caticlan Malay nang mapag-alaman na doon nagtatago ang
suspek.
Subalit, mabilis umano itong nakatunog sa mga
operatiba at kaagad na nakapuslit.
Pero bago pa umano ito tumungo ng Romblon, ay
pinagnakawan nya muna ang isang bahay sa Nabas Aklan, kung saan dito din umano
sya kumain at naligo.
Ani Aguirre, nag-arkila ng bangka ang suspek
papuntang Romblon nang malaman na nakaalerto na rin ang mga pulis ng Boracay
PNP Station.
Lumalabas pa sa imbestigasyon ng mga pulis na
nagpakilalang Jayson Yap ang suspek, nakapag-aral di umano sa La Salle
University at anak ng isang doctor at military.
Samantala, narekober naman mula sa rito ang iba’t-ibang mga gadget, alahas at pera.
Dagdag pa ni Aguirre, maaari ding kasuhan ang mga
di umano’y nagkanlong sa suspek, matapos umamin sa huli ang mga ito na matagal
na nilang kilala ang suspek at nakikinabang din sila sa mga ninanakaw nito.
Nabatid na ika-13 ng Pebrero nang pagnakawan at
tagain ni “Merano” ang isang 85-anyos na lola at apo nito sa Laguinbanua East
Numancia Aklan.
No comments:
Post a Comment