Posted February 21, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Muling tinalakay sa sesyon ng Sangguniang
Panlalawigan (SP) Aklan ang pagpapaunlad sa Cagban Port sa Manoc-Manoc Boracay.
Kaugnay nito, sa ginanap na 6th SP
Regular Session, nakatakdang ipatawag ng mataas na konseho sa probinsya sina
PPD Coordinator Roger Esto at Jetty Port Adminitrator Niven Maquirang para sa
isang pagpupulong.
Pero bago pa man ma-iskedyul ang naturang
pagpupulong, sinabi sa sesyon ng SP na kailangan munang makumpleto ang mga
isusumiteng dokumento kaugnay ng Foreshore Lease Agreement o Special Forest
Landuse Agreement kasama ang Department of Environment and Natural Resources
(DENR).
Nabatid naman na malaki ang inaasahang pagbabago sa
Cagban Port dahil sa magiging organisado na umano ang mga bangkang bumibiyahe
gayundin ang mga private boat at ang daungan ng cruise ship na pumupunta sa
isla ng Boracay.
Samantala, maging ang mga tricycle at tourist van
sa loob ng pantalan ay magiging organisado na rin kabilang na ang paglalagay ng
isang building para sa mga pasahero.
No comments:
Post a Comment