YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, February 23, 2015

Sa kauna-unahang pagkakataon, MV Seabourn Sojourn bibisita sa Boracay ngayong Marso

Posted February 23, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Isa na namang cruship ang bibisita sa isla ng Boracay ngayong darating na Marso 6 na pagmamay-ari ng Seabourn Cruise Line Limited.


Ito ay may passenger capacity na 450 na kinabibilangan naman ng 335 International crew kung saan may 10 Decks din ito.

Nabatid na dadaan muna ito sa Maynila bago dumiritsong Boracay bandang ala-10 ng umaga hanggang ala-6 ng hapon. 

Ayon sa kumpanyang may hawak ng nasabing barko sa tour nito sa Pilipinas sakay umano nito ang mga high bracket families at mga celebrity mula sa ibat-ibang bansa.

Sa kabilang banda sinabi naman ni Special Operation III Jean Pontero ng Caticlan Jetty Port na kung ano ang kanilang ginawang preparasyon noong mga nakaraang barkong bumisita sa Boracay ay ganon din ang kanilang gagawin kung saan magiging katuwang naman nila ang LGU Malay at ilang concern agencies para dito.

Samantala, magkakaroon naman ng maikling programa sa loob ng nasabing barko para sa exchange of plaque sa pagitan ng Seaboaurn Cruise Line Limited at ng Provincial Government ng Aklan, Department of Tourism (DOT) at LGU Malay.

No comments:

Post a Comment