Posted February 18, 2015
Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay
Muling bumisita kahapon ang binuong National Organizing
Council para sa nalalapit na APEC Ministerial Meeting na gagawin sa Boracay sa
buwan ng Mayo.
Maliban kay Ambassador Marciano Paynor,Jr. ,sinalubong
din ng 2015 APEC Malay Task Group sa
pangunguna ni Mayor John Yap ang mga kinatawan sa bawat komitiba na titingin sa
mga resort na pagdarausan ng meeting.
Sa isinagawang dinner meeting kagabi, nagbigay ng ilang
paalala si Ambassador Paynor.
Anya, hindi na bago sa mga delegado ang mga magagandang
lugar sa buong mundo. Ang importante ay kung paano tayo magpamalas ng maayos na
pagtanggap ng bisita bilang isang Pilipino.
Sa kabilang banda, nagpasalamat naman si Mayor John Yap
at si SB Member at Focal Person Rowen Aguirre sa kooperasyon at suporta ng mga
stakeholders at volunteers para sa paghahanda ng Boracay bilang isa sa mga host
venue.
Maliban sa Boracay, kasama sa itinerary ng APEC-NOC ang
pagpunta sa bayan ng Kalibo ngayong araw para sa gagawing Ocular Inspection sa
Kalibo International Airport.
No comments:
Post a Comment