YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, February 17, 2015

Fasting and abstinence, ipinaalala sa pagdiriwang ng Ash Wednesday bukas

Posted February 17, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
                                               
Atensyon sa lahat ng mga Debotong Katoliko sa isla ng Boracay!

Ash Wednesday o Miyerkules ng abo na bukas.

Base sa pananampalatayang Katoliko, isang banal na araw ang Ash Wednesday na nagpaalalang magbabalik ang tao sa alabok kung siya nagmula sa pamamagitan ng pagpapapahid ng abo sa noo.

Ito rin ang palatandaan ng pakiisa sa paghihirap ng Panginoong Hesu-Kristo para sa kaligtasan ng sanlibutan.

Kaugnay nito, ipinaalala ng HRP o Holy Rosary Parish Boracay sa lahat ng mga Katoliko sa isla ang tungkol sa fasting and abstinence o pag-aayuno at pagpipigil.

Ayon kay HRP Boracay Team Moderator Fr. Arnold Crisostomo, hinihingi sa nasabing selebrasyon na bawasan muna kahit isa ang kanilang pagkain at pigilan muna ang pagkain ng karne.

Inanyayahan naman ni Father Nonoy ang mga Katoliko sa isla na dumalo sa misa bukas ng alas 6:30 at alas 5:00 ng hapon sa HRP Church.

May tig-iisang misa din sa alas 6:30 bukas ng umaga sa Barangay Yapak at Manoc-manoc Chapel.

Paalala din ni Crisostomo na bigyang daan ang pagdarasal at pagninilay-nilay bukas at sa mga mahahalagang araw ng Kuwaresma.

No comments:

Post a Comment