Posted February 21, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagkaroon umano ng pag-uusap sa pagitan ni Aklan
Governor Joeben Miraflores at Caticlan Jetty Port Administrator Nieven
Maquirang.
Ito ang sinabi ni Maquirang sa kanyang pagdalo sa
Sangguniang Bayan (SB) Session sa Malay nitong nakaraang linggo.
Sinabi umano sa kanyang ng Gobernador na hihilingin
nito sa Department of Transportation and Communication (DOTC) na mag-purchase
ng Pontoon sa Cagban Jetty Port.
Bagamat medyo may kamahalaan umano ito kung saan
ang 100-meter pontoon at 6 meters wide ay nagkakahalaga ng 18 Million Pesos na
lalagyan ng canopy at railings.
Ayon pa kay Maquirang wala umanong sapat na pondo
dito ang probinsya kung kayat makikipagtulungan nalang sila sa DOTC.
Samantala, sinigurado naman ni Governor Miraflores
na mapapabilis nila ang pagbili ng Pontoon sa pagitan ng DOTC kung saan
inaasahan umano nila itong darating ngayong buwan ng Marso o Abril.
Nabatid na ang Pontoon ang siyang nakikitang
solusyon ng gobyerno ng Aklan para maibsan ang may kahinaang operasyon ng mga
bangka sa Cagban Jetty Port lalo na sa tuwing low tide.
No comments:
Post a Comment