YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, February 17, 2015

Ilang establisyemento sa Boracay, nakahanda na sa pagsalubong ng Chinese New Year

Posted February 17, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay      

Chinese New Year 2015 Greeting Cards With GoatsIbat-ibang panghahanda na ngayon ang ginagawa ng ilang business establishments sa Boracay para sa pagsalubong ng Chinese New Year ngayong Huwebes.

Karamihan naman sa mga hotel at restaurant sa isla ay may inihandang promo para sa lahat ng turista lalo na sa mga Taiwanese at Chinese Tourist na piniling salubungin ang bagong taon sa Boracay.

Makikita na rin sa ilang pamilihan sa isla ang mga lucky charms na ibinibinta kasama na ang mga malalagkit na pagkain katulad ng Tikoy.

Nabatid na karamihan sa mga negosyo sa Boracay ay pagmamay-ari ng mga Chinese kung kayat ganon nalang ang kanilang paghahanda sa pagsalubong ng bagong taon.

Isa naman sa mga inaabangan sa Boracay sa tuwing sumasapit ang Chinese New Year ay ang naggagandahang fireworks display sa gitna ng karagatan malapit sa beach area ng isla.

Samantala, patuloy parin ngayon ang pagsidatingan ng mga Chinese at Taiwanese Tourist sa Boracay upang dito salubungin ang bagong taon.

No comments:

Post a Comment