YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, February 16, 2015

Kampanya laban sa Anti-Illegal drugs at wants persons sa Aklan magpapatuloy

Posted February 16, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Magpapatuloy umano ang kampanya ng mga otoridad laban sa Anti-illegal drug operations at pag-aresto sa mga wanted persons sa probinsya ng Aklan.

Ayon kay Police Officer 1 Jane Vega ng Aklan Police Provincial Office (APPO) Public Information Office, susi umano ng kanilang matagumpay na operasyon ay ang pakikipag-ugnayan sa mga mga municipal stations sa lalawigan.

Sinabi din nito na bilang parte ng kanilang preemptive measures at koordinasyon sa mga municipal police stations ay nagkaroon sila ng matagumpay na kampanya at operasyon.

Sa kabilang banda ang Police Integrated and Continuous Education (PICE) ay isinagawa rin ng APPO katuwang ang mga municipal chief-of-police bilang parte ng kanilang isasagawang preparasyon sa buy-bust operation.

Napag-alaman na nagkaroon ang APPO ng ilang serye ng malakihang buy-bust operation ngayong buwan na humantong sa pagka-aresto sa mga illegal drug suspect at wanted person sa probinsya.

No comments:

Post a Comment