Posted February 18, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Pinatotohanan mismo ni CAAP Area Manager Engr.
Percy Malonesio na sinibak na nga sa pwesto si Kalibo Airport Manager Cynthia
Aspera dahil sa “command responsibility” kaugnay sa nangyaring security breach
nitong nakaraang buwan.
Ayon kay Malonesio, ika-20 ng Pebrero nang inilabas
ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General William
Hotchkiss III ang nasabing desisyon.
Anya, nag-ugat ang pagkakatanggal ni Aspera nang
makalusot ang isang babaeng may diperensiya sa pag-iisip at nakapunta sa
Incheon, South Korea.
Maliban dito, suspendido ng isang buwan ang
dalawang Security Personnel na sina Joel Itulid at Arnold Barreda, gayundin ang
dalawang Terminal Fee Inspector na sina Kenny Afable at Irene Andrade.
Sinabi ni Malonesio na isang team ng CAAP Main
Office ang nagsagawa ng imbestigasyon sa Kalibo International Airport (KIA)
kung bakit nakapuslit ang 35 anyos na babae ng Patnongon, Antique nang walang
anumang kaukulang dokumento.
Samantala, nabatid na muli namang ibabalik si
Aspera sa Roxas Airport, kung saan papalit naman sa kanya sa KIA si Martin
Terre.
Kaugnay nito, patuloy pa rin ang isinasagawang
sariling imbestigasyon ng Philippine Airlines (PAL) tungkol sa nasabing
pangyayari.
No comments:
Post a Comment