Posted February 18, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Iginiit ng pamunuan ng Caticlan Jetty Port na
walang binago sa kanilang polisiya hinggil sa I.D System.
Kaugnay ito sa reklamo ng isang babae nitong nakaraang
linggo na pina-fill up umano ng kung anong dokumento para payagang makabalik sa
isla.
Mistula umano kasing wa-epek na ang ipinakita
niyang Barangay ID kung kaya’t iginiit niyang isa siyang residente ng Boracay.
Ayon kay Special Operations Officer III Jean Pontero,
malaya paring makakasakay ang mga Aklanon at Boracay resident sa pumpboat
patawid sa isla ng Boracay nang hindi sinisingil ng terminal fee.
Kaugnay nito, meron umano silang “complaint desk”,
kung saan maaaring mag-iwan ng kanilang mga reklamo ang isang pasahero tungkol
sa pamamalakad ng nasabing terminal kapag wala ang mataas na opisyal sa
nasabing opisina.
Samantala, nagpapasalamat si Pontero sa tatlong mga
barangay sa Boracay dahil sa pag-isyu ng Barangay I.D, kung saan isa umano ito
sa mga madaling paraan upang mapatunayan na isang Aklanon ang dumadaan sa
nasabing terminal.
No comments:
Post a Comment