Posted February 19, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Puspusan ngayon ang ginagawang pagsasanay sa mga
empleyado ng Philippine Red Cross o PRC-Boracay-Malay Chapter sa mga nais
maging isang lifeguard.
Ito ang sinabi ni Philippine Red Cross Boracay-Malay
Chapter Administrator Marlo Schoenenberger sa ginanap na SB Session ng Malay
nitong Martes kung saan isa siya sa mga naging bisita rito.
Sinabi nito na kinakailangang ang lahat ng swimming pool
sa isla ng Boracay ay mayroong nakatalagang dalawang lifeguard para sa
kapakanan ng mga naliligo kung kayat isa sila sa mga nagsasanay para dito.
Ang kautusan umanong ito ay mula sa Department of Health
(DOH) sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at
Department of Tourism (DOT) na matagal na ring ginagawa sa ibang lugar.
Samantala, libre umano nilang sinasanay ang mga nasabing
lifeguard sa loob ng anim na buwan at limang araw naman sa commercial na hindi
employed sa Red Cross.
Nabatid na ang lahat ng mga sinanay na maging lifeguard
ay kailangan munang magserbisyo sa isla ng Boracay sa loob ng dalawang taon
bago sila maghanap ng ibang mapapasukan o kaparehong trabaho sa ibang lugar.
No comments:
Post a Comment