Posted February 20, 2015
Ni Gloria Villas,
YES FM Boracay
Ikinatuwa ng Bureau of
Fire Protection (BFP) ang pagsalubong ng Chinese New Year sa isla ng Boracay.
Ito’y dahil sa walang
nangyaring sunog tulad ng nakaraang taon at naging mapayapa sa pangkalahatan
ang ginanap na selebrasyon.
Ayon kay BFP Chief
Fire Inspector Stephen Jardeleza, maliban sa monitoring at pagpapakalat ng
visibility patrol sa front beach, masusi din nilang ininspeksyon ang magkakaroon
ng mga fireworks display bago at sa oras ng selebrasyon.
Samantala, sinabi
naman ni Jardeleza na dalawa ang kanilang naitala na hindi sumunod sa proseso,
kung saan nagpaputok ng fireworks nang walang kaukulang clearance mula sa BFP.
No comments:
Post a Comment