Posted February 19, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ikinatuwa ng Philippine Red Cross (PRC) Boracay-Malay
Chapter ang kanilang matagumpay na mobile blood donation drive nitong Martes na
ginanap sa Boracay Regency Beach Resort.
Ayon kay PRC Boracay-Malay Chapter Administrator
Marlo Schoenenberger, nakapagtala sila ng 74 na blood successful donors sa loob
ng isang araw, kung saan dinaluhan ito ng ibat-ibang private agencies sa
Boracay at ng mga nagtratrabaho sa isla.
Nanguna umano rito ang mga empleyado ng Boracay
Regency Beach Resort, KABALIKAT CIVICOM, Boracay PNP, Philippine Army at Red
Cross employees.
Nabatid na ang mobile blood donation drive ay
taon-taong ginagawa ng PRC Boracay-Malay Chapter sa pakikipagtulangan sa
nasabing resort.
Maliban dito may iba pang blood donation program
ang Red Cross na isinagasawa sa ibat-ibang lugar sa bayan ng Malay para sa
kanilang patuloy na layunin na makaipon ng dugo para sa mga nangangailangan.
No comments:
Post a Comment