Posted February 20, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Maaaring maharap sa ibat-ibang violation ang mga tricycle
driver sa Malay lalo na sa isla ng Boracay sakaling hindi ang mga ito maging
presentable sa oras ng kanilang pamamasada.
Ito ang napag-usapan sa Sangguniang Bayan ng Malay nitong
nakaraang Martes kung saan sinabi ni SB Member at Chairman ng Committee on Laws
Rowen Aguirre na kailangan maging presentable ang mga nasabing driver para sa
kanilang mga pasahero.
Kailangan din umano ng mga ito na maging will groom at
polite upang ng sa ganon ay ma-satisfied ang mga pasahero hindi lang sa
kanilang serbisyo kundi maging sa kanilang appearance.
Napag-alaman na mahigpit ding ipinagbabawal sa mga driver
ang hindi pagsuot ng kanilang uniporme sa oras ng kanilang pamamasada.
Nabatid na nagkaroon ng enhancement seminar ang mga
tricycle driver sa Boracay sa pamamagitan ng Boracay Land Transportation Multi
Purpose Cooperative (BLTMPC) at Department of Tourism (DOT) para dito.
No comments:
Post a Comment