Posted February 19, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Photo Credit by BTAC |
Ayon kay PO3 Christopher Mendoza ng BTAC-PCR o Police
Community Relations, direktiba umano ito mula sa kanilang higher headquarters
dahil maaaring mangailangan ng interpreters para sa mga APEC delegates mula sa
mga Muslim Countries katulad ng Malaysia at Indonesia.
Maliban dito, halos limang taon na ring nawala ang
Salaam Police nang umupo bilang hepe ng Boracay PNP si P/Supt. Rolando Vilar
kung kaya’t napapanahon na ring i-reactivate ang nasabing grupo.
Samantala, nilinaw naman ni Mendoza na walang
kinalaman sa clearing operation laban sa mga illegal vendos, commissioners, at
tour guides ang pagre-reactivate ng mga Salaam Police sa isla.
Hindi rin umano sila bibigyan ng baril katulad ng
mga MAP o Municipal Auxiliary Police.
Magugunita namang binuo ang Salaam Police upang
makatulong sa pagpapatupad ng mga ordinansa sa Boracay sa pamamagitan ng
pagharap sa kanilang mga kapwa Muslim sa isla.
No comments:
Post a Comment