Posted February 17, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Tiniyak ng Santarli Panay Resources Company na walang
maaapektuhan ng kanilang dredging project sa Aklan River.
Ito’y sa kabila ng pangamba ng ilang mga Aklanon na baka
maubos ang buhangin doon.
Paliwanag ni Pablo Ocampo, consultant ng nasabing
kompanya, masusi ang nasabing proseso at hindi sila nagkukulang na
makipag-ugnayan sa lahat ng mga ahensya ng gobyerno lalo na sa pamahalaang
probinsyal ng Aklan.
Anya, sinisiguro din nila na kumpleto at sumusunod sa mga
alituntunin ang kanilang mga pagpaplano at pagsasagawa nito.
Saad ni Ocampo, kapag tapos na umano sila sa 15 million
cubic meters sa loob ng tatlong taon, may environmental impact study na by flow
of nature, kung saan mga 20 million cubic meters ang kapalit naman sa bawat 5
million cubic meters na kinukuha nila.
Kaya naman hindi talaga umano mawawalan ng buhangin doon.
Malayo din umanong maapektuhan ng maalat na tubig ang
iniinom na tubig at irigasyon.
Ito’y dahil, hindi naman umano sa gitna kumukuha ng
buhangin ang mga sand at gravel permittees kundi sa kilid lamang ng Aklan
River.
Samantala, binigyan naman ng Environmental Compliance
Certificate (ECC) ang Santarli Panay Resources Company o STL noong Enero 2014
matapos ang mahabang pag-aaral.
Nitong nakaraang taon lamang, sinuportahan mismo ni Aklan
Governor Florencio Miraflores ang proyekto upang ma-declog o hindi na bumara
ang Aklan River na siya namang nagiging sanhi ng pagbaha sa bayan ng Kalibo, Libacao,
Banga, Malinao, Lezo, Numancia, at Madalag.
No comments:
Post a Comment