YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, February 18, 2015

CBTMPC bumili ng pontoon para sa nararanasang Low Tide sa Cagban Jetty Port

Posted February 18, 2015
Ni Jay-ar M.  Arante, YES FM Boracay

Ngayong katapusan ng buwan ng Pebrero inaasahang darating ang inorder ng Caticlan Boracay Transportation Multi Purpose Cooperative (CBTMCP) na pontoon.

Ayon kay CBTMPC Chairman Godofredo Sadiasa, bumili sila ng 200 sq hectares na pontoon sa Store works kung saan ginagawa na umano ito sa ngayon.

Nagdesisyon umano siyang bumili nito dahil kailangan ito sa Cagban Jetty Port lalo na sa tuwing mararanasan ang Low Tide.

Nabatid na hindi makadaong sa mismong ducking area ang ilang bangka dahilan para magkaroon ng mabagal na operasyon sa tuwing mababaw ang tubig sa nasabing port.

Bagamat malapit na itong dumating kinakailangan pa umano nila itong ipag-paalam sa provincial government ng Aklan kung papayagan silang maglagay nito.

Samantala, patuloy na rin ngayon ang ginagawang pagpapalapad ng rampa sa Cagban Jetty Port bilang bahagi ng proyekto ng Aklan Provincial Government at ng Department of Transportation and Communication (DOTC).

No comments:

Post a Comment