Posted February 18, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Responsibilidad ng Lokal na Pamahalaan na
makibahagi sa National Government sa pagpapaganatili ng tinatawag na ecological
balance sa kanyang nasasakupan.
Dahil dito, nilikha ng Munisipalidad ng Malay ang
Ordinance No.320 Series of 2012 na siyang nagbabawal sa paggamit ng plastic
bags sa mga dry goods.
Maliban dito, bawal din ang mga Styrofoam o Styrophor,
subali’t mistulang natunaw na rin ang ordinansang ito pagkalipas ng halos apat
na taon.
Marami parin kasing tindahan sa Boracay at maging
sa Mainland Malay ang lantarang gumagamit ng plastic para sa kanilang mga
paninda partikular sa mga ibinibenta nilang dry goods.
Magugunita namang nitong March 2013 nang sinabi ni Malay
Administrator Godofredo Sadiasa na pina-hold muna ang pagpapatupad ng nasabing
ordinansa sa kabila ng pag-abruba na dito ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan.
Kanina, sinabi naman ni Sadiasa na muli niyang
kokonsoltahin ang Sangguniang Bayan tungkol dito dahil wala pa umano silang
natatanggap ng anumang abiso kaugnay sa implementasyon ng ordinansa.
Samantala, patuloy na umaasa ang SP Aklan na maging
daan ang nasabing ordinansa sa pagiging plastic-free ng Boracay lalo pa’t ilang
ulit na rin nila itong tinalakay sa konseho.
No comments:
Post a Comment