Posted February 19, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ipinagmamalaking sinabi ni District Officer Eralen
De Aro na tumaas ang kanilang kolesyon sa buwis sa probinsya ng Aklan ng 14%.
Anya, batay sa pagtala ng Bureau of Internal
Revenue (BIR) Revenue District No. 71 nagawa ng Aklan na makakolekta ng
kabuuang P1,220,452,576.54 sa buwis, mas mataas ng 14% sa taong 2013.
Dahil dito, pumangalawa din umano ang Aklan sa may
mga nakolektang mataas na buwis sa Panay Island.
Sinabi din nito na kaya nakamit ang nasabing
resulta ay dahil na rin sa pinag-isang pagsusumikap ng parehong pampubliko at
pribadong sektor na lubos na naka-ambag na maabot ang target ng koleksyon.
Samantala, pinayuhan naman ni De Aro ang mga
taxpayers maliban sa mga nasa barangay na gamitin ang eBIR forms, eSubmission
at eFPS sa pag-file.
Itong makabagong sistema anya ay magiging
kapaki-pakinabang sa BIR at pati na rin sa mga nagbabayad ng buwis.
Paalala din nito sa lahat ng mga nagbabayad ng
buwis na mag-file na ng kanilang 2014 income tax returns nang maaga upang
maiwasan ang paghahabulan sa deadline na itinakda sa April 15, 2015.
No comments:
Post a Comment