Posted February 19, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Magsasagawa ngayong araw ng fireworks inspection
ang Bureau of Fire Protection Unit (BFPU) kaugnay ng selebrasyon ng Chinese New
Year sa isla ng Boracay.
Ayon kay BFPU Chief Fire Inspector Stephen
Jardeleza, ang pagsasagawa ng inspection ay alinsunod sa Fire Code, kung saan
kinakailangan na kumuha muna ng clearance mula sa BFP ang mga magpapaputok ng
fireworks.
Anya, ito’y upang masiguro na ligtas ang gagamiting
fireworks at maiwasan ang magiging sanhi ng sunog.
Kaugnay nito, sinabi naman ni Jardeleza na may
nagpaputok di umano ng fireworks kagabi nang hindi kumuha sa kanila ng
clearance kaya nakatakda nilang sulatan ito ngayon.
Samantala, nabatid na isa naman ang kumuha ng
clearance sa kanilang opisina ngayong araw para sa pagpapaputok ng fireworks
mamayang gabi.
No comments:
Post a Comment