Posted February 17, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Photo Credit by BTAC |
Ayon sa isang netizen na isa rin sa mga stakeholder sa
Boracay, ipinakita umano ng LGU Malay ang kamay na bakal sa
pagpapatupad ng matagal nang batas sa isla.
Itinuring namang ‘answered prayer’ ng isa pang face book
user ang naging hakbang ng munisipyo matapos makumpiska kahapon ang brochures,
flyers at iba pang marketing materials mula sa mga tinaguriang ‘pasaway sa
baybay’.
Photo Credit by BTAC |
Binalaan din ang mga ito kaugnay sa mga kaakibat na
penalidad kapag nahuling muli.
Nabatid na marami nang nakarating na reklamo sa Department
of Tourism, LGU at Boracay PNP mula sa mga turistang nabibiktima umano ng
estafa o panloloko ng mga illegal commissioners at tour guides.
Marami din ang nagpaabot ng pagkadismaya sa mga nang-aalok
ng kung anong paninda sa mga turistang namamasyal o nagpapahinga sa beach kung
kaya’t kumilos na ang LGU Malay sa tulong ng Boracay PNP at Task Group
Boracay-Philippine Army.
No comments:
Post a Comment