Posted February 19, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Kalaboso ang isang lalaki sa Boracay matapos na
pinagnakawan ang isang babaeng Russian national kagabi.
Ayon sa blotter report ng BTAC, “inflagrante
delicto” o huli sa akto ang suspek na si Mark Anthony Castillo na dinikwat ang
cellphone ng turista sa loob ng isang bar sa Manoc-Manoc Boracay.
Base sa imbestigasyon ng mga pulis, nakita ng
biktimang si Kseniia Loshchilova, 25 anyos na kinuha ng suspek ang kanyang Sony
Experia Z na cellphone sa bag at kaagad na itinakbo.
Subalit hindi nagtagumpay ang suspek dahil sa
naalerto na rin ang iba pang mga staff doon at sekyu nang magsisigaw ang
biktima at hinabol ito hanggang sa maabutan.
Samantala, matapos na e-turnover sa BTAC, nanatili
pa rin ngayon sa lock-up cell ng nasabing himpilan ang suspek.
No comments:
Post a Comment