YES THE BEST 911 BORACAY

Sunday, February 15, 2015

Kaso ng pagnanakaw at pananaga, naganap sa Numancia, Aklan sa Friday the 13th

Posted February 15, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay


Marami ang naniniwalang malas ang Biyernes Trese o Friday the 13th.

Sa bayan ng Numancia, Aklan, isang kaso ng pagnanakaw at pananaga ang nangyari sa nasabing petsa.

Ninakawan kasi ng pera, alahas at lap top ang isang bahay doon kahapon ng umaga.

Maliban dito, pinagtataga din umano ng hindi pa nakikilalang suspek ang maglola sa bahay.

Ayon sa Numancia Police Station, pinasok ng suspek ang bahay at tinaga muna ang 85 anyos na biktimang si Emmie Macogue habang nakatalikod at nagtitimpla ng gatas.

Dahil dito, tatlong sugat sa leeg at mukha ang tinamo ng biktima.

Samantala, tinaga din ng suspek sa ulo ang walong taong gulang na apo ng biktima na bumalik matapos bumili ng juice sa tindahan.

Sinasabing nawalan ng malay ang bata dahil sa tinamo nitong sugat sa ulo.

Nang magkamalay, kaagad umanong humingi ng saklolo ang bata kung kaya’t naisugod ito kasama ang lola sa isang pribadong ospital sa Kalibo.

Nagkataon namang wala ang ina ng bata dahil nasa munisipyo ito at nagtatrabaho.
Base pa sa imbistigasyon, isang lalaki ang napansin na tila nagmamanman sa bahay ng mga biktima tatlong araw bago ang insidente.

Patuloy namang tinututukan ng Numancia PNP ang nasabing kaso.

No comments:

Post a Comment