Posted February 16, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Umapela ngayon ngpakikipagtulungan para sa kalinisan ng
isla ang BNHS o Boracay National High School.
Nadismaya kasi ang mga ito sa dami ng mga upos ng
sigarilyo na kanilang napulot sa beach area nang magsagawa sila ng cleanup
nitong Sabado.
Ayon kay BNHS English Department Head Ervin Maravilla, hindi
lamang sa dalampasigan napulot ang mga upos kungdi nakuha din sa mga puno ng
niyog.
Ayon kay Maravilla, nakakadismaya na marami parin ang
nagkakalat ng basura sa beach sa kabila ng ipinapatupad na ordinansa.
Samantala, iginiit din nito na hindi lamang ordinansa ang
kailangan sa isla kungdi ang pagiging komitido at pagmamahal sa kalikasan.
Nabatid na maliban sa mga upos ng sigarilyo, nakapulot
din ang mga mag-aaral ng BNHS ng mga food wrappers, bote ng alak, at iba pang
basura.
Napag-alamang bahagi naman ng kanilang pre-graduation
activity ang ginawang beach cleanup ng mga mag-aaral ng BNHS.
No comments:
Post a Comment