Posted October 24, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito sa ngayon ang isa sa mga tinitingnang dahilan
ng Boracay PNP Station hinggil sa pagkakabaril ng isang 17 anyos na binatilyo
sa Boracay kagabi.
Ayon kay PO2 Lyn-Lyn Agapito ng BTAC Women and
Children Protection Desk, nabatid sa kanilang inisyal na imbestigasyon na mahilig
magbiro at mang-trip ang binatilyo sa kanilang lugar.
Anya, dati na rin umano itong nasangkot sa ilang
mga kaguluhan sa lugar, kung saan isa rin sa mga tinututukan ng imbestigasyon ng
Boracay PNP Station.
Kaugnay nito, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang
imbestigasyon ng BTAC para sa pagkakatuloy ng suspek sa nangyaring pamamaril.
Samantala, napag-alaman naman sa pinagdalhang
ospital ng biktima sa isla ng Boracay na Dead on Arrival (DOA) na ito dahil sa
tinamong tama ng baril sa likod.
No comments:
Post a Comment