YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, October 21, 2014

Mexican national, nang-agaw ng baril sa isang pulis sa Boracay

Posted October 21, 2014               
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Himas rehas pa rin sa ngayon ang isang Mexican national matapos na manggulo sa isang bar at nang-agaw ng baril ng isang pulis sa Boracay.

Kinilala sa blotter report ang Mexicanong si Heinz Peter Burger at nagbabakasyon sa isla.

Ayon sa mga pulis, unang nanggulo ang turista sa isang bar sa Boat Station 2 Balabag, Boracay, kung saan itinulak umano nito ang isang customer na kano doon.

Kaya naman hinuli ito ng security guard ng nasabing bar at e-tinurnover sa mga pulis.

Subalit nang makarating sa himpilan ng BTAC, ay bigla umanong inagaw ng mexicano ang baril ni PO1 Beltran subalit mabilis namang naalerto ang pulis.

No comments:

Post a Comment