Posted October 25, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pinarangalan ng Conde Nast Traveler magazine ang
isla ng Boracay bilang isa sa top 30 na pinakamangandang isla sa buong mundo
ngayong 2014.
Ito ay base sa kanilang isinagawang survey mula sa
kanilang mga readers para iboto ang kanilang mga paboritong travel experience sa
mga hotel hanggang sa tour operators, isla at mga spa.
Nabatid na ang mga mambabasa ng Condé Nast Traveler
ang pumipili ng pinakamagandang isla, siyudad, hotels, resorts, spas at cruise
lines para sa readers choice award 2014 na kung saan ay taon-taon nila itong
ginagawa simula noong 1998.
Napag-alaman inilagay ng mga readers ng US travel
magazine ang Boracay sa ika-12 puwesto dahil sa “gentle coastlines,
transporting sunsets and thriving nightlife scene.” na nakakuha naman ng puntos
na 82. 683.
Binanggit din ng nasabing magazine na ang Boracay
ay isang “itty-bitty island (10 square miles) sa Western Philippines at bilang
pangunahing tourist destination sa Pilipinas.
Sa kabilang banda tinanghal naman ang Puerto
Princesa Subterranean River ng Palawan bilang top 1 na new seven wonders of the
world ng Condé Nast Traveler na nakakuha ng pontos na 88.75.
No comments:
Post a Comment