Posted October 24, 2014
Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Sampal at suntok
ang inabot ng isang “habal-habal” driver matapos nitong tanggihang pasakayin
ang isang lasing na lalaki sa Balabag Boracay kaninang alas-3 ng madaling araw.
Nakilala sa
blotter report ng Boracay PNP ang biktimag si Jose Matteo, 34, ng Balud,
Masbate at pansamantalang nakatira sa isla ng Boracay.
Nabatid na habang
nagbibiyahe ang biktima sakay ng kanyang motorsiklo ay pinarahan umano siya ng dalawang
kalalakihan sa nasabing lugar.
Nang hinintuan
niya umano ito ay dito niya napansin na nasa ilalim pala ito ng nakakalasing na
inumin na hindi na rin kayang umangkas sa motorsiklo dahilan para tanggihan
niya ang mga ito.
Ngunit nagalit
umano sa kanya ang suspek na kinilala lamang sa pangalang Marlon kung saan agad
umano siyang sinampal ng dalawang beses at sinuntok sa ibat-ibang parte ng
kanyang katawan kasabay ng paghampas sa kanya ng bitbit nitong jacket.
Dahil sa
insidente mas minabuti ng biktima na iwasan ang naghuhurimintadong suspek kung
saan agad niya itong ini-report sa Boracay PNP Station ang nangyari.
No comments:
Post a Comment