Posted October 20, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
May mga pulis na ngayon sa loob ng Ati Village sa isla ng
Boracay.
Sa ginanap na Thanksgiving Celebration ng Ati Community
nitong Sabado, kinumpirma ni PNP 6 Regional Director PChief Supt. Josephus
Angan ang paglalagay ng kapulisan sa lugar para sa seguridad at katahimikan ng
mga Katutubong Ati.
Bagama’t aminado si Angan na maraming pagsubok ang
kanilang naranasan bago naibalik ang katahimikan sa Ati Village, tiniyak din
nito na palaging naririyan ang mga pulis para narin sa katahimikan ng buong Boracay.
Samantala, naging masaya naman si Angan sa pag-unlad ng
mga Ati sa Boracay dahil sa suporta ng buong kumunidad, simbahan, at
iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan.
Magugunitang nagdulot ng masamang imahe sa isla ang
karahasang sinapit ng mga katutubo dahil sa lupang ipinagkaloob sa kanila ng pamahalaan na nauwi sa
pagpaslang ng mismo nilang spokesman na si Dexter Condez nitong nakaraang taon.
No comments:
Post a Comment