Posted October 24, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Ayon kay HRP Boracay Priest Moderator Father ‘Nonoy’
Crisostomo, kailangan nang palakihin ang simbahan dahil sa dami ng mga
nagsisimba lalo na kapag araw ng Linggo.
Maliban dito, hindi na rin mababasa ng ulan ang mga
nagsisimba dahil sa idadagdag na mezzanine o balcony sa magkabilang gilid ng
simbahan.
Samantala, tiniyak din umano ni Father ‘Nonoy’ na naaayon
sa istraktura ng simbahan ang proyekto kung kaya’t minarapat nitong mezzanine
ang kanyang ipagawa.
Nabatid na nagkakahalaga ng anim na milyong piso ang
nasabing proyekto na galing umano sa pondo ng simbahan at target matapos bago
sumapit ang simbang gabi sa buwan ng Disyembre.
No comments:
Post a Comment