Posted October 24, 2014
Ni Jay-ar Arante, YES FM
Boracay
Pinaplantsa na ng
Provincial Government ng Aklan at ng Jetty Port Administration ang seguridad sa
isla ng Boracay ngayong papalapit na Undas.
Katunayan maglalagay ng
Tourist Assistance Disk ang mga Pulis at Philippine Coastguard sa Caticlan at
Cagban Jetty Port para sa posibleng pagdagsa ng mga turista.
Inihahanda na rin ng
Boracay PNP Station ang kanilang 24/7 operation sa mismong araw ng Undas kung
saan inaasahang magkakaroon ng ibat-ibang Halloween party na dadagsain ng mga
tao lalo na sa front beach.
Ayon naman kay Special
Operation III Jean Pontero ng Caticlan Jetty Port magkakaroon umano sila ng dobleng
seguridad para paghandaan ang Undas na kung saan ay unti-unti na ngayong bumubuhos
ang maraming turista sa Boracay.
Paalalala naman nito na sa
mga bibiyahe at magbabakasyon sa isla ang ibayong pag-iingat maging sa kanilang
mga mahahalagang gamit.
Samantala, all-out naman
ang ginagawang pagsuporta ng Lokal na Pamahalaan ng Malay para sa security
forces sa Boracay ngayong papalapit na araw ng mga Patay.
No comments:
Post a Comment