Posted October 23, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pinaghahandaan na ng Jetty Port Administration ang
Caticlan at Cagban Jetty Port ngayong pagbubukas ng peak season sa isla ng Boracay.
Katunayan isang pulong ang ipapatawag ni Jetty Port
Administrator Nieven Maquirang para mapaghandaan ang pagdagsa ng mga turista
lalo na ngayong papalapit na Undas.
Kabilang naman sa mga ipapatawag sa meeting ay ang
operators ng Roro Vessels, bus transport, Philippine Coastguard, Philippine
National Police at Maritime Police.
Sa kabilang banda sinabi naman ni Special Operation
Officer III Jean Pontero ng Caticlan Jetty Port ma maging ang mga pasilidad
umano sa Caticlan at Cagban ay inihanda na rin kung saan naayos na umano ito
bago paman magtapos ang Habagat Season.
Sa ngayon marami na umanong mga turista ang nagbabakasyon
sa Boracay dahil na rin sa wala ng pasok sa ilang mga paaralan sa bansa bunsod
ng semestral break at ang papalapit na paggunita sa araw ng mga patay ngayong
Nobyembre 1 at 2.
No comments:
Post a Comment