YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, October 24, 2014

Lalaki sa Boracay, umano’y pinagbantaang patayin ng ka-trabaho

Posted October 24, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nagpa-record sa himpilan ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang isang 23 anyos na lalaki matapos umanong pagbantaan itong patayin ng ka-trabaho.

Sumbong ng biktima sa BTAC, alas dyes nang gabi nang tawagan umano sya ng kanyang hindi na pinangalanang ka-trabaho at pinagsasalitaan ng mga hindi maganda saka pinagbantaang patayin.

Ito’y dahil sya di umano ang dahilan kung bakit natanggal ang suspek sa kanyang trabaho.

Ayon pa sa nagrereklamo, sinabihan din umano sya ng kanyang land lady na pasulpot-sulpot ang suspek sa kanyang boarding house at tinatanong kung anong oras ito umaalis at umuuwi.

Dahil sa takot, ay minarapat ng biktima na ipa-record sa BTAC ang nasabing pangyayari.

No comments:

Post a Comment