Posted October 22, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Kinumpirma na ng Boracay Redevelopment Task Force (BRTF)
ang mga international events sa Bolabog Beach sa susunod na taon.
Ilan dito ang inaabangang kite boarding at
windsurfing competition.
Kaugnay nito, sisikapin umano ng task force na
hindi maaapektuhan ng drainage project ng Tourism Infrastructure and Enterprise
Zone Authority (TIEZA) ang mga nasabing aktibidad.
Magugunitang sinabi rin ni Engineer Giovanni Rullan
ng TIEZA na target nilang matapos ang canal extension ng kanilang drainage
project sa Bolabog bago ang 2015 APEC Hosting ng Boracay.
Nabatid na isa rin sa inaalala ng task force ang
mga nakatakdang aktibidad sa Bolabog Beach kung kaya’t doble-kayod na rin ang
mga ito upang matapos ang mga sinimulang infrastructure project sa isla katulad
ng kalsada at pagsasaayos ng mga problema sa beach front.
No comments:
Post a Comment