YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, October 23, 2014

Irish National, binugbog ang isang Australiano sa Boracay dahil sa isang babae sa bar

Posted October 23, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Binugbog ng isang Irish National ang isang Australiano matapos itong humingi ng tawad sa suspek dahil sa inasal ng kanyang kaibigan.

Sa blotter report ng Boracay PNP kinilala ang suspek na si James Edward Thomson, 24-anyos isang half British at New Zealand National.

Nangyari ang insidente kaninang alas-3 ng madaling araw sa front beach station 2 kung saan humingi umano itong biktima na si Noel Sexton ng paumanhin sa suspek dahil sa inasal ng kanyang kaibigan sa isang bar sa Boracay.

Ngunit sa kabila nito ay agad siyang pinagsusuntok ng suspek dahilan para ito’y matumba sa buhangin at magtamo ng sugat sa kanyang mata, ilong at kasiraan sa ngipin.

Nabatid na nagkaroon ng mainit na pagtatalo sa pagitan ng suspek at kaibigan ng biktima kung saan nagalit umano itong kaibigan ni Sexton sa suspek sa pamamagitan ng pagtaas ng kilay ng makita niyang niyayang makipagsayaw ni Thompson ang babaeng kasama nito.

Samantala, ng papauwi na ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan ay muli silang nagkasalubong ng suspek at doon na nangyari ang pambubogbog.

Agad namag ikinostodiya ng Boracay PNP ang suspek na si Thomson hanggang sa patuloy na inaayos ang gusot nito sa kabilang kampo ng kanyang nakainitan.

No comments:

Post a Comment