Posted October 21, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Nababahala ngayon ang Philippine Chamber of
Commerce and Industry (PCCI) Boracay sa sitwasyon ng Kalibo International
Airport (KIA).
Hindi na umano kasi kayang suportahan ng nasabing
paliparan ang pagdagsa ng mga turista, mga business travelers at
residente, bagay na sinulatan na nila mismo si Department of Transportation and
Communications (DOTC) Secretary Joseph Emilio “Jun” Abaya.
Sa kopyang ipinadala ng PCCI sa himpilang ito, iginiit
ng grupo na kulang ang pasilidad ng airport dahil wala nang maupuan ang mga
international at domestic passengers doon.
Tila mas nabibigyan pa umano kasi ng prayoridad ang
space o lugar para mga kompanya sa aiport sa halip na maging dagdag na espasyo
pa sana sa mga pasahero.
Maliban dito, kulang din umano ang seguridad sa airport,
at hindi nare-regulate ang mga transport group doon.
Kaugnay nito, umaasa naman ang PCCI na mabigyan ng
agarang aksyon ng DOTC ang problema lalo pa’t nalalapit na ang 2015 APEC
Hosting ng Boracay.
No comments:
Post a Comment