Posted October 24, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nabatid sa Red Cross Boracay-Malay Chapter na
iba’t-ibang organisasyon at business establishment sa isla ang naglalaban-laban
para dito.
Ayon kay PRC Malay-Boracay Chapter Deputy
Administrator John Partrick Moreno, ang nasabing kumpetisyon ay isinasagawa ngayon
sa beach area ng Boracay.
Anya, ang nasabing aktibidad ay bahagi ng
pagdiriwang sa World First Aid Day (WFAD) para ibahagi ang mga natatanging
kaalaman sa “First Aid Training”.
Ilan lamang umano sa mga kasali dito ang Kabalikat
Civicom, Tourism Regulatory Enforcement Unit (TREU) at Airport Fire Fighter.
Nabatid na kasama sa paglalabanan dito ang
first-aid na itinuro sa kanila ng Red Cross para maiuwi ang cash prize at
matanghal na kauna-unahang First Aid Olympics 2014.
Samantala, ilan pang naglalakihang resort sa
Boracay ang sumali rin sa nasabing kompetisyon kasama ang Municipal Disaster
Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ng Malay.
No comments:
Post a Comment