Posted October 20, 2014
Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Malaki umanong
tulong sa BTAC ang ginawang pagbisita at pag-inspeksyon ng Directorial Staff ng
Police Regional Office 6 nitong Oktobre 9-10.
Ito ang sinabi ni
Chief PSInspector Mark Evan Salvo matapos umano silang payuhan kung anu pa ang
mga dapat gawin para mas-mapaganda ang kanilang serbisyo publiko sa isla.
Nabatid na sa
dalawang araw na pagbisita ng nasabing opisyal sa BTAC ay nagkaroon ang mga ito
ng audit kasama na ang pag-inspeksyon sa bawat seksyon sa Boat Station Post
area sa front beach ng Boracay.
Ayon pa kay Salvo
ang pag-entertain umano ng VIP o Very importation Person ay pinalilimitahan din
sa kanila para hindi ma-apektuhan ang kanilang mga trabaho.
Samantala, prayoridad
ng nasabing grupo ang pag-monitor ng duty scheme ng mga pulis sa Boracay
Tourist Assistance Center (BTAC) kung ito ba ay nasusunod sa bawat trabaho.
No comments:
Post a Comment