Posted October 21, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Humingi ngayon ng pang-unawa sa nararanasang pagsikip ng
paliparan ang KIA o Kalibo International Airport.
Ayon kay KIA Manager Cynthia Aspera, kasalukuyan pang
ginagawa ang pagpapalawak ng airport kung kaya’t pansamantala munang pinagsama
ang international at domestic arrival sa old terminal ng paliparan.
Maliban dito, wala narin umano talagang lugar pa sa lahat
ng mga papasok sa airport, lalo pa’t nakadesinyo lamang ito para sa tatlong
flights.
Ayon pa kay Aspera, target din namang matapos sa nalalapit
na buwan ng Disyembre ang ginagawang terminal kung kaya’t umapela ito ng
pang-unawa sa mga pasahero lalo na sa PCCI o Philippine Chamber of Commerce and
Industry-Boracay.
Nabatid na nagpadala ng sulat kay DOTC o Department of
Transportation and Communications Secretary “Jun” Abaya ang PCCI dahil sa
kanilang pagkadismaya sa serbisyo ng Kalibo Airport.
Samantala, tiniyak naman ni Aspera na luluwag na ang
airport terminal kapag natapos na ang ginagwang expansion doon.
No comments:
Post a Comment