YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, October 20, 2014

Paglimita sa mga service vehicle ng mga resort sa Boracay pinaboran ng mga netizens

Posted October 20, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Pinaboran ng mga netizens ang planong paglimita sa mga service vehicle ng mga resort sa Boracay.

Ayon sa ilang netizens, sang-ayon sila na bawasan na ang mga nasabing sasakayan dahil sobrang sikip na ng kalsada sa isla.

Subali’t hindi lamang pagsang-ayon ang ipinaabot ng mga netizens kungdi pati na rin ang pagpapatupad ng speed limit sa mga truck na may mga dalang bakal at walang warning device.

Napagdiskitahan naman at pinababawasan ng isang netizen ang E-trikes, multi cab, at single motorbike dahil sa maliit lamang ang kalsada sa isla.

Samantala, pinuri naman ng isa sa mga netizens ang SB Malay dahil sa nasabing hakbang.

Magugunitang tinalakay sa SB Malay ang planong limitahan ang service ng mga resort sa isla dahil sa napakarami nang sasakyan dito na nagdudulot ng mabigat at nakakahiyang trapiko.

No comments:

Post a Comment