Posted October 21, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi na umabot ng buhay sa isang pagamutan sa Boracay
ang isang tourguide matapos itong maaksidente sa sinasakyang motorsiklo kahapon
ng tangahali.
Sa police report ng Boracay PNP, kinilala ang biktimang
si Joey Kie Otis, 23-anyos ng Afgha, Tangalan, Aklan at pansamantalang nakatira
sa isla ng Boracay.
Nabatid na nangyari ang aksidente kahapon ng tanghali sa
Brgy. Balabag Boracay ng papauwi umano ang biktima sa kanyang bahay para mananghalian.
Base pa sa report malakas ang ulan nang binaybay ng
biktima ang kalsada maliban pa sa pagpapatakbo umano nito ng mabilis.
Dahil dito aksidenting bumangga ang kanyang sinasakyang
motorsiklo sa gutter ng kalsada kung saan nahulog din ang biktima.
Nagpagulong-gulong sa kalsada ang biktima at tumama ang
kanyang ulo sa isang motorsiklo na dumaan din sa lugar.
Agad namang isinugod sa pagamutan ang biktima ng mga rumesponding
tao sa lugar ngunit idinaklara naman itong DOA o Dead on Arrival ng mga doktor.
Napag-alaman na nagtamo ng maraming sugat ang biktima sa
kanyang ibat-ibang parte ng katawan lalo na sa kanyang mata at leeg.
Lumabas din sa pagsusuri ng hospital na nagkaroon ng
cardio pulmonary arrest si Otis secondary sa hypovolcanic shock sa nangyaring
vehicular accident.
No comments:
Post a Comment