Posted October 25, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nasimulan na ang malalaking haligi na nagsisilbing paa
ng Kalibo-Numancia Bridge II na kasalukayang makikita sa baba mismo ng nasabing
tulay.
Ito ang sinabi ni Aklan District Engineer Noel
Fuentebella, kung saan tuloy-tuloy na umano ang ginagawang proyekto ngayon at
na-umpisahan na ring itayo ang mga poste
ng bagong ginagawang tulay.
Anya, target nilang tapusin ang construction sa
March 2015.
Ayon pa kay Fuentebella, magiging isa itong
magandang tulay, kung saan may kataasan ng kunti sa kasalukuyang
Kalibo-Numancia bridge.
Nabatid na aabot sa P370 million ang magagastos sa
2-Lane Bridge na lalagyan din ng sidewalks, baluster railings at street lights.
Samantala, natulungan na rin umano ni Aklan
Congressman Teodorico Harisco at ni Governor Joeben Miraflores ang 17 pamilyang
apektado ng pagpapagawa ng bagong tulay, kung saan binigyan na rin sila ng
relocation sites.
Asahan din aniya ng mga Aklanon ang mas magandang
tulay na hindi na basta-bastang maabot ng tubig dahil sa elevation nito.
No comments:
Post a Comment