Posted October 21, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Inaabangan na ang opening ng Batang Pinoy Olympics 2014
na gaganapin sa Calangcang Sports Complex sa bayan ng Makato mamayang alas-3 ng
hapon.
Tampok dito ang mga kabataan na maglalaban-laban mula sa
elementarya at sekondarya na galing pa sa ibat-ibang paaralan sa Visayas region.
Inaasahang dadaluhan naman ito ng mga pulitiko mula sa
Visayas at mga opisyal ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine
Olympic Committee (POC).
Malaki ring karangalan sa probinsya ng Aklan na mag host
ng malaking event ngayong taon para maipakita ang kahandaan at kagandahan ng
probinsya.
Samantala, maglalaro naman ang mga kabataan sa ibat-ibang
bayan sa Aklan na kinabibilangan ng Tangalan, Makato, Numancia, Lezo, Malinao,
Banga at Kalibo hanggang sa araw ng
Biyernes.
Nabatid na ang PSC ay nakipagtulungan sa POC at
Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of
Education (DepEd) para piliin ang probinsya ng Aklan na maging lugar para sa
apat na araw na sports competitions na dadaluhan ng mga manlalaro at atleta
mula sa Visayas.
No comments:
Post a Comment