Posted October 24, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nagpapatuloy pa rin sa ngayon ang imbestigasyon ng
Kalibo Police Station hinggil nakitang bangkay ng 68- anyos na lolo sa Aklan
River sa Bakhaw Sur Kalibo Aklan.
Ayon kay Police Officer 3 Joel Portos ng Aklan
Scene of Crime Operations (SOCO), kinilala ang biktima na si Florencio Ventura
Perez ng Jumarap Banga at kasalukuyang naninirahan sa New Buswang Kalibo Aklan.
Anya, base sa
kanilang inisyal na imbestigasyon, isang mangangasag ang nakakita sa
bangkay ng biktima ala sais kaninang umaga.
Nabatid na kinailangan ding sumakay ng bangka ng
mga myembro ng otoridad para makuha ang bangkay nito sa magubat na bahagi ng
ilog.
Samantala, napag-alaman rin sa inisyal na
imbestigasyon ng mga pulis na huling nakita ang biktima ala una ng madaling
araw nitong nakaraang Myerkules at nakipag-inuman pa di umano.
Ayon naman sa salaysay ng pamilya ng biktima,
madalas daw kasi umano itong umaalis at kung saan-saan na lamang pumupunta lalo
na kapag nalalasing.
No comments:
Post a Comment