Posted October 20, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
“No-way” na sa Sangguniang Bayan ng Malay ang Letter of
Intent ng isang personalidad sa hangarin nitong magpatayo ng outdoor shooting
range sa isla ng Boracay.
Ito ang napagkasunduan ng Konseho sa ginanap na ika-32nd
SB Session ng Malay nitong Martes matapos ang isinagawang Committee Hearing na
pinagunahan ni SB Member at Chairman ng Committee on Tourism Jupiter Gallenero.
Bagamat sumailalim na ito sa ilang pag-aaral wala pa
umanong kabuuang ipinakitang dokumento sa kanila si Mr. Arumpac Muamar Hadji
Mad na siyang nag-nanais magpatayo ng nasabing operasyon.
Ayon naman kay SB member Rowen Aguirre ang outdoor
shooting range ay sadyang delikado lalo na sa mga turista dahil maaari itong
magdulot ng hindi inaasahang insidente.
Sinabi pa nito na pumayag lamang sila noon sa pagpapatayo
ng indoor shooting range sa Boracay dahil malayo ito sa mga bahay at hindi delikado
kumpara sa outdoor na kailangang may mahigpit na panuntunan.
No comments:
Post a Comment