YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, October 22, 2014

Russian national, ninakawan habang naliligo sa Boracay; suspek, huli

Posted October 22, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Arestado ang 29 anyos na lalaki sa Boracay matapos na mahuli sa aktong pagnanakaw ng mga gamit ng isang Russian national.

Ayon sa blotter report ng BTAC, naliligo ang mag-asawang Russian na sina Anton Dukhovniy, 32 anyos at Anastasiai Dukhovnaia sa Station 1 Balabag Boracay nang makita ng dalawang by stander sa lugar ang suspek na kinuha ang maliit na bag ng mga biktima at saka itinakbo.

Subalit, kaagad namang naabutan ng ilan pang mga by stander doon ang suspek at nakuha sa posisyon at kontrol nito ang mga gamit ng biktima tulad ng cellphone at camera.

Samantala, ikinustodiya naman ngayon sa himpilan ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang nasabing suspek.

No comments:

Post a Comment