Posted October 20, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ito ang sinabi ni National Commission on Indigenous
Peoples (NCIP) Chairperson Atty. Leonor Quintayo, sa ginanap na Thanksgiving
Celebration ng Ati Community nitong Sabado.
Ayon kay Quintayo, hindi kakayanin ng gobyerno ang
pag-unlad ng mga Katutubong Ati sa Boracay ngayon kung pagbibigay lamang ng
CADT o Certificate of Ancestral Domain Title ang pag-uusapan.
Subali’t talagang buhay umano ang Indigenous
Peoples sa Boracay dahil sa pagkakaisa ng gobyerno, simbahan at sosyodad.
Samantala, hinimok din ni Quintayo ang mga katutubo
na ipagpatuloy ang kanilang nasimulan para sa magandang kinabukasan ng kanilang
kumunidad.
Magugunita namang ipanagkaloob ng pamahalaan ang CADT
o Certificate of Ancestral Domain Title sa mga Boracay-Ati nitong Enero 21,
2011.
No comments:
Post a Comment