Posted October 24, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nagpapatuloy pa rin sa ngayon ang imbestigasyon ng
Boracay PNP Station hinggil sa pagkakabaril sa isang menor de edad kagabi sa Bolabog Balabag Boracay.
Subalit hindi muna nagbigay ng kabuuang impormasyon
ang BTAC sapagkat nananatili parin umanong at-large ang suspek sa nasabing
pamamaril.
Samantala, siniguro naman ng BTAC na magpapatuloy
ang kanilang manhunt operation para sa ikakadakip ng suspek.
No comments:
Post a Comment