YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, October 21, 2014

First Photography Exhibit, idadaos sa Boracay

Posted October 21, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nakatakdang ibandera sa October 22-24 ang kauna-unahang Photography Exhibit sa isla ng Boracay.

Ito’y sa pamamagitan ng Boracay Photographers Association, Inc. at Malay Tourism Office, kung saan gaganapin bilang isa rin sa mga bahagi ng tourism and promotion sa isla.

Ayon sa kalatas na ipinadala ng nasabing asosasyon, ang nasabing programa ay naglalayong manghikayat ng mga nangungunang national at international travel agencies, educators, media at iba pang mga establisyemento na makakatulong umano sa turismo ng Boracay.

Samantala, nanawagan naman ng kooperasyon at suporta ang Boracay Photographers Association sa mga nais na dumalo sa nasabing aktibidad.

Ang dalawang araw na First Photography Exhibit ay gaganapin sa Crown Regency Resort & Convention Center.

No comments:

Post a Comment