YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, October 23, 2014

Babaeng may kasong pagnanakaw sa Aklan, arestado sa Romblon

Posted October 23, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Isang babaeng may kasong qualified theft sa Aklan ang naaresto kahapon ng mga pulis sa probinsya ng Romblon.

Kinilala sa blotter report ng BTAC ang akusado na si Amanda Teologo, 28 anyos na may criminal case number 8762 sa Branch 7 ng Regional Trial Court, 6th Judicial Region sa bayan ng Kalibo Aklan.

Ayon sa report ng mga pulis, kasalukuyang nasa kustodiya ng Ferrol, Romblom Municipal Police Station si Teologo at nakatakdang e-turnover sa himpilan ng BTAC para isailalim sa inquest proceedings sa bayan ng Kalibo.

Samantala, nabatid na nagbaba ng pyansa ang RTC 6th Judicial Region sa akusado na nagkakahalaga ng 24, 000 pesos para sa pansamantala nitong kalayaan.

No comments:

Post a Comment